[Public Service Announcement]
Pansamantalang nakasara sa publiko ang Amoranto 50-meter Olympic Size Pool, simula Mayo 13, 2024 at tatagal hanggang Hunyo 26, 2024. Ito ay para bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga pasilidad tulad ng bleachers, lockers, at comfort room.
Magtatayo rin ng warm-up pool na bahagi ng upgrade plans ng lokal na pamahalaan upang mas maihanda at mapaganda pa ang mga pasilidad para sa local at international competitions.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
