Naimbitahan ang lokal na pamahalaan sa International Day for Biodiversity 2024 na may temang ‘Discover Biodiversity at Araneta City’.
Dumalo si Majority Floor Leader Doray Delarmente bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte at nagpahayag ng suporta sa exhibit.
Ibinahagi rin ni Coun. Doray ang iba pang karagdagang kaalaman sa pagpapahalaga ng iba-ibang uri ng halaman at hayop.
Idinaos ang exhibit sa Quantum Skyview, Activity Center, Gateway Mall 2.
Pinangunahan ito ng United States Agency for International Development (USAID), Investing in Sustainability and Partnerships for Inclusive Growth Project and Regenerative Ecosystems (INSPIRE) Project, at Gerry Roxas Foundation (GRF) katuwang ang Araneta Group and J. Amado Araneta Foundation (JAAF).
Bukas ang exhibit sa publiko mula May 20 hanggang 22, 2024.




