Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte si Department of Tourism USec. Myra Paz Valderrosa-Abubakar upang personal na imbitahin ang alkalde sa darating na Halal Tourism and Trade Expo Philippines 2024 na gaganapin sa Gateway 2 Activity Center.
Tampok sa trade fair ang iba-ibang produktong Halal certified. Layon ng aktibidad na tangkilikin ang mga produkto mula sa Halal industry at umusbong ang mga Micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Suportado ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng oportunidad upang makilala ang mga produktong lokal, kabilang ang mga QC-made products mula sa Muslim communities.




