#WALANGPASOK | Dahil sa inaasahang pag-ulan at baha dulot ng Bagyong #AghonPH, nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang ilang eskwelahan at barangay sa lungsod ngayong araw, May 27, 2024 (Lunes).
Suspendido ang klase sa:
Barangay Sacred Heart (Public Schools)
Barangay San Vicente (San Vicente Elementary School)
Base sa DepEd Order No. 37, s. 2022 at Local Government Memorandum Circular No. 10-A s. 2022, ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng eskwelahan, pero hinihikayat ang mga ito na sundin ang national o localized suspension.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
