Nakiisa sa pagsalubong ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa paggunita ng ika-126 Araw ng Watawat na idadaos bukas, Mayo 28, 2024.
Pinalamutian na rin ang ilang lugar sa City Hall ng bandila ng Pilipinas bilang bahagi ng selebrasyon.
Paiilawan din mamayang gabi ang Executive Building at ang Pylon sa Quezon Memorial Circle base sa kulay ng watawat ng bansa.




