Happy National Flag Day!
Mula May 28 hanggang June 12 ay ating ipinagdiriwang ang National Flag Days base sa Presidential Proclamation No. 374 na inilabas noong 1965 at Executive Order No. 79 noong 1994.
Ito ay bilang paggunita sa araw na unang ipinakita ang pambansang watawat sa Alapan Imus, Cavite noong 1898 matapos ang tagumpay ng Philippine Revolutionary Army laban sa mga Espanyol.
Sama-sama nating ipagdiwang ang simbolo ng ating pagkakaisa at alalahanin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay upang makamit ang ating kalayaan.
