Maaari nang magbook ng booster shots ang mga kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups. Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) at pumili sa vaccination sites at schedule.

SA NGAYON, ASTRAZENECA ANG AVAILABLE NA BOOSTER SHOT.Makikita sa post ang listahan ng katumbas na booster shots na aprubado ng Department of Health.

BAWAL ANG WALK-IN SA VACCINATION SITES.

Dalhin ang valid ID at #QCProtekTODO Vaccination Card. Para sa A3 o People Living with Comorbidites, dalhin ang MEDICAL CERTIFICATE na pirmado ng inyong doktor sa araw ng pagbabakuna.

Pumunta lang sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.