Congratulations sa mga kababaihang negosyante na nagtapos sa Academy for Women Entrepreneurs (AWE) graduation ceremony at Pitching Competition na pinangunahan ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO), SPARK! Philippines katuwang ang Go Negosyo, Husay.co at J. Amado Araneta Foundation.
Sumabak sa pitching ang mga kalahok sa AWE program upang ipakita ang kanilang mga produkto. Ang mga mapipiling negosyo ay mabibigyan ng P10,000 na dagdag puhunan ay may pagkakataong makasama sa summit sa United States Embassy.
Lahat naman ng kababaihang nagsipagtapos ay magiging benepisyaryo din ng Pangkabuhayang QC.
Binanggit ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng economic empowerment at financial independence ng mga kababaihan.
Kasama sa programa sina QC SBCDPO head Ms. Mona Celine Yap, SPARK! Philippines Executive Director Ms. Maica Teves, Go Negosyo Executive Director Ms. Thermina Ann Akram, Husay.co founder Ms. Leah Rasay, at J. Amado Araneta Foundation Executive Director Ms. Christine Diane Romero.