Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng Quezon City sa pagsusulong ng circular economy.

Sa kanyang mensahe sa Accelerate Labs Circular Economy R&D Rave Workshop ng United Nations Development Programme (UNDP), inisa-isa ng alkalde ang mga inisyatibo ng lungsod tulad ng pagbabawal ng plastic, refilling program, at Kilo/s Kyusi.

Binigyang-diin din ni Mayor ang kahalagahan ng citizen participation sa pagtataguyod ng circular economy.

Aabot sa 70 kinatawan mula sa 30 bansa ang nagtitipon-tipon sa nasabing tatlong araw na workshop.

Bukod kay Mayor Joy, naroon din sa workshop sina DENR Undersecretary Joselin Marcus Fragada, EU Head of Cooperation Dr. Marco Gemmer, UNDP Resident Representative Dr. Selva Ramachandran, UNDP Global Accelerator Labs Team Leader Ms. Gina Lucarelli, at Embassy of Qatar in the Philippines 2nd Secretary Mr. Saeed Mohammed Al-Qeetani.

+10