Pormal nang binuksan ang AccessABLE Market sa Quezon City Hall, bilang paggunita sa Women with Disabilities Day.
Tampok sa bazaar ang mga produkto tulad ng mga painting, bed sheets, pabango, at mga pagkain na gawa mismo ng persons with disability sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, former Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza, mga konsehal, at mga department head ang opisyal na pagbubukas ng bazaar.
Bukas ang AccessABLE Market sa covered pathwalk mula March 24 to 26, 8am hanggang 5PM.




