Bumisita si Yoav Brandt, isang Environmental Engineering Consultant ng Asian Development Bank (ADB) sa Payatas Controlled Disposal Facility ng lungsod. Ito ay upang magbigay ng mungkahi sa mga posibleng proyekto na magpapabuti sa environmental rehabilitation ng dating landfill at kung paano pa mapapakinabangan ito ng komunidad.

Binisita nya rin ang iilang green at open spaces tulad ng sa Brgy. Talipapa upang tukuyin ang pagsasagawa ng linear parks at multi-use parks.

Kabilang sa napuntahan ang Sunnyville Farm sa Brgy. Pasong Tamo. Isa ito sa mga model training urban farm ng lungsod para naman makita ang aquaculture at greenhouse technologies na ginagamit ng urban farmers ng lungsod upang matuto ng urban agriculture.

Kasama ni Engr. Yoav Brandt sina Assistant City Administrator Alberto Kimpo, Sustainable Development Projects Officer Nonong Velasco, at Ian Agatep ng Climate Change and Environmental Sustainability Department.

Kasama sa mga nabisita ay si Engr. Louie Sabater ng Department of Sanitation and Clean-up Works of Quezon City (DSQC), Punong Barangay Eric Juan ng Barangay Talipapa at Cristina Perez ng Joy of Urban Farming.

Layon ng bisita ni Brandt na makapag-ambag ng kaalaman na magpapaigting ng kasanayan ng QC sa modern irrigation practices, urban greening, at nature-based solutions. Ito ay magpapatibay sa climate action efforts ng lungsod alinsunod sa Enhanced Local Climate Change Action Plan nito.

Nagkasama si Mayor Joy Belmonte at Engr. Yoav sa nakalipas na programa ng Asian Development Bank (ADB) na Promoting Resilience to Heatwaves: Strategies and Solutions for Asia and the Pacific. Bahagi ito ng Heat Action Day 2024, kung saan nagsilbing panelist ang punong lungsod.

+19