Aabot sa 50 mag-aaral mula Nick Joaquin Senior High School ang dumalo sa Adolescent Summit ng Quezon City General Hospital and Medical Center (QCGHMC).
Ipinaliwanag ng mga doktor sa mga estudyante ang ilan sa mga karaniwang suliranin o bisyo ng mga teenager, tulad ng paninigarilyo, pagdo-droga, pag-inom ng alak, teenage pregnancy, at mental health. Ibinahagi rin sa kanila mga hakbang kung paano ito matutugunan at maiiwasan.
Naroon din sa summit para magbigay ng mensahe sina QCGH Director Dr. Josephine Sabando, QCGH Assistant Director for Professional Services Dr. Amelita Guzon, at Bahay Toro Sangguniang Kabataan Chairperson Mayang Mallari.