Aabot sa 1,000 indigent QCitizen sa ikalawang distrito ang nakatanggap ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Opisina ni Sen. Bong Go sa pakikipagtulungan sa Opisina ni Councilor Mikey Belmonte.
Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang programa, na pinaunlakan nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Godie Liban, at mga barangay official sa District 2.
Bawat benepisyaryo ng AICS ay nakatanggap din ng food packs at vitamins.
Kasabay nito, binuksan na rin ang bagong multi-purpose hall sa Barangay Payatas.