Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
AIR QUALITY ADVISORY ![]()
As of 8:00 AM, nananatili sa Alert Level 3 ang Air Quality Index (AQI) sa Quezon City.
Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Dahil dito, pinapayuhang mag-ingat ang lahat, lalo na ang mga vulnerable groups. Limitahan ang outdoor activities at magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.
Manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na abiso ng QC Government.






