Congratulations sa 77 kababaihang nagtapos sa Airbnb Entrepreneurship Academy!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa graduation ceremony kasama sina SPARK! Philippines Executive Director Ms. Maica Teves, Airbnb Head of Public Policy, Southeast Asia, India, Hong Kong & Taiwan Ms. Mich Goh, at Department of Tourism Director for Industry Manpower Development Ms. Arlene Alipio.
Sumailalim ang mga kalahok sa ilang linggong pagsasanay sa mga essential skills na magagamit sa industriya ng turismo tulad ng customer service, hospitality, at business etiquette.
Kaisa sa programa ang QC Gender and Development Office sa pangunguna ni Ms. Janet Oviedo.