Handa nang magbigay-serbisyo ang bagong bukas na Aksyon Agad Dialysis Center sa District 1!

Libre ang hemodialysis para sa mga QCitizen, lalo na para sa mga indigent at lubos na nagangailangan. Hindi na rin nila kailangang maglabas ng malaking halaga at pumila sa mga pampublikong ospital para lang makapagpa-dialysis.

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa opening at blessing ng center, kasama sina District 1 Rep. Arjo Atayde, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, Coun. TJ Calalay, Coun. Joseph Juico, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Mr. Gab Atayde at mga barangay chairperson.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ang dialysis center lalo na’t isa ang chronic kidney disease sa mga sakit na sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Para maka-avail ng libreng dialysis, maaaring makipag-ugnayan sa Aksyon Agad Headquarters sa West Avenue, Quezon City o tumawag sa 0917-1580479 / 0917-1176783.

+20