Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad at pagpapalawak ng kasanayan sa ating health practitioners, nakipagtulungan ang Quezon City government sa Philippine Heart Center sa pagsasagawa ng cardiovascular health education sa QC Health Department physicians.
Sa memorandum of agreement signing ng Alab ng Puso program, nagsilbing kinatawan ng lungsod si Mayor Joy Belmonte, habang si Executive Director Dr. Joel Abanilla naman para sa PHC.
Ang mga doktor ay sasailalim sa eight-part lecture series tungkol sa cardiovascular health upang mabigyan pa sila ng bago at mas updated na impormasyon tungkol sa cardiovascular disease, prevention and control






