Ang ALAGANG QC ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay o “displaced workers”. Ito ay bukas para sa mga manggagawa mula sa hanay ng pormal at impormal na sektor at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa ilalim ng programang ito, ang kwalipikadong aplikante ay maaaring makatanggap ng tulong pinansyal na limandaang piso (Php500.00) at hindi hihigit sa apat na libong piso (Php4,000.00) sa loob ng walong ( 8 ) linggo para sa paghahanap ng panibagong trabaho.
Panoorin ang video na ito tungkol sa QC Ordinance No. 3095, S-2022, o Alagang QC Program: Assistance for Displaced Workers para sa karagdagang impormasyon.
Para sa mga nais mag-apply sa Alagang QC, tingnan ang gabay dito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid02aqWaJjNqTHV83gUq6KXGcwqCb3NpcE