Nanguna sa sabayang clean-up drive sina Department of Health Secretary Ted Herbosa at Mayor Joy Belmonte, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanyang “Alas Kwatro, Kontra Mosquito.”
Namahagi rin ng insecticide, insect repellent, cleaning materials, at brochures ang DOH kasabay ng house-to-house information drive tungkol sa dengue.
Muling nanawagan sina Mayor Joy at Sec. Herbosa sa publiko na makiisa sa programa sa gitna ng mataas na naitatalang bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Pinapayuhan rin ang lahat na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility kung may nararanasang sintomas ng sakit.
Kasama sa programa sina QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Barangay Batasan Hills Chairperson Jojo Abad, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at mga purok leaders at volunteers na nakiisa sa sama-samang paglilinis.
QCitizens, ugaliin ang pagsagawa ng “Taob, Taktak, Tuyo, at Takip!” para mapanatiling ligtas ang ating pamayanan sa banta ng dengue.




