Nagtipon ang mga kinatawan ng iba-ibang kumpanya, sektor, at government agencies sa isinagawang Alay Kapwa Community Schooling (AKCS) Stakeholders’ Industry Forum ngayong araw.

Tinalakay sa forum kung paano maililinya ng mga ahensya ang kani-kanilang programa para makapagbukas pa ng mas maraming oportunidad para sa AKCS learners na binubuo ng mga out-of-school youth at young adults.

Naging kinatawan ng lungsod sa programa si Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon kung saan inihayag niya ang papel ng pamahalaang lungsod sa pagbubukas ng mas marami pang employment opportunity at investment.

+19