Congrats Alex sa iyong makasaysayang panalo!!!
Lumikha na naman ng kasaysayan sa 2026 Wimbledon Championships ang QCitizen at World No. 32 na si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipina na umabot sa fourth round ng isang Grand Slam Tournament.
Ito’y matapos niyang talunin sa 3rd round ang defending Wimbledon Champion at World No. 3 na si Iga Swiatek ng Poland sa score na 7-6, 6-2. Nauna nang tinalo ni Alex si Swiatek sa Miami Open noong nakaraang taon.
Bago ito, lumikha na rin ng kasaysayan sa Wimbledon si Alex bilang kauna-unahang Pilipina na naging seeded (No. 29 seed) sa isang Grand Slam main draw.
Sunod na makakaharap ni Alex ang World No. 17 na si Jasmine Paolini ng Italy.
Mabuhay ka, Alex! Nakasuporta ang buong Quezon City sa iyong mga susunod pang laban!






