Mabuhay ka, Alex Eala!
Malugod na binabati ng buong Lungsod Quezon ang QCitizen na si Alexandra “Alex” Eala dahil sa kaniyang ipinamalas na husay at dedikasyon sa 2025 Wimbledon Championships.
Umukit ng kasaysayan si Alex bilang kauna-unahang Pilipina na nakapaglaro sa main draw ng naturang tournament.
Nakaharap ng 20-anyos na QCitizen ang Defending Champion at World No. 16 na si Barbora Krejčíková mula sa Czech Republic. Nanaig sa kanilang laban si Krejčíková sa score na 3-6, 6-2, 6-1.
Ngayong araw, nakatakda namang maglaro si Eala sa Women’s Doubles kasama si Eva Lys ng Germany kung saan makakatunggali nila ang Serbian-Russian duo na sina Olga Danilovic at Anastasia Potapova.
Photo Courtesy: Alex Eala Instagram account.
