We are proud of you, Alex Eala!
Bilib ang buong Lungsod Quezon sa ipinamalas na galing at determinasyon mo, Alexandra “Alex” Eala, sa Eastbourne Open 2025.
Gumawa ng kasaysayan si Alex bilang kauna-unahang Pilipino na nakatungtong sa finals ng Women’s Tennis Association (WTA) tour.
Nakaharap ng 20-anyos na QCitizen ang World No. 51 na si Maya Joint mula sa Australia. Nanaig sa kanilang laban si Joint 6-4, 1-6, 7-6.
Bago ito, tinalo ni Eala si Varvara Gracheva ng France sa semifinal round.
Photo Courtesy: Alex Eala Facebook page.
