Congratulations, Alex Eala! We are proud of you!![]()
![]()
![]()
Umukit na naman ng kasaysayan ang QCitizen na si Alex Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang Women’s Tennis Association (WTA) title nang tanghaling KAMPEON ng Guadalajara 125 Open.
Nanaig si Alex laban kay Panna Udvardy ng Hungary sa score na 1-6, 7-5, 6-3 sa Finals.
Bukod sa unang kampeonato sa WTA, si Eala rin ang unang Pinoy na nanalo sa isang WTA tournament.
Hindi matatawaran ang ipinamalas na husay at determinasyon ni Alex matapos niyang talunin sina Nicole Fossa Huergo ng Italy (7-6, 6-2), at Kyla Day ng Amerika (6-2, 6-3) sa quarter-finals at semi-finals.
Kamakailan lang, gumawa ng kasaysayan si Alex sa 2025 US Open bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng laban sa Grand Slam Main Draw ng Open Era.
Ito’y matapos niyang talunin si World No. 14 Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6 (13-11) sa Flushing Meadows, New York.




