Malugod na pagbati at ipinagmamalaki ka namin, Alex Eala! ![]()
![]()
![]()
Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang Filipina tennis sensation at QCitizen na si Alex Eala matapos masungkit ang kampeonato sa WTA 125 Birmingham Open na ginanap sa Edgbaston Priory Club sa England.
Sa dikit na laban, bumawi si Alex mula sa unang set at tuluyang tinalo ang umuusbong na manlalarong Czech na si Nikola Bartunkova sa iskor na 5-7, 6-3, 7-5.
Ito ang unang tropeo ni Eala sa grass court at ikalawa niyang WTA 125 title matapos ang kaniyang pagkapanalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico noong nakaraang Setyembre.
Mas naging makahulugan pa ang kaniyang tagumpay dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtala siya ng panalo laban sa isang manlalarong Czech mula nang maging propesyonal siya noong 2020.
Nakatakdang sumabak si World No. 33 Alex Eala sa main draw ng Queen’s Club Championships ngayong Hunyo 8 hanggang Hunyo 14, kung saan makakasama niya ang dating World No. 1 na si Czech veteran Karolina Pliskova.
Photo Courtesy: LTA’s Official Instagram Channel






