Mabuhay ka, Alex Eala!![]()
![]()
![]()
Buong husay na itinaas ni WTA World No. 61 Alex Eala ang bandila ng Pilipinas hanggang sa quarterfinals ng WTA 250 Sao Paulo Open sa Brazil kontra kay Janice Tjen ng Indonesia. Gayunman, nanaig si Tjen sa laban sa score na 6-4, 6-1.
Bago ito, umukit ng kasaysayan ang QCitizen na si Alex matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang Women’s Tennis Association (WTA) title nang tanghaling kampeon ng WTA 125 Guadalajara Open sa Mexico.
Bukod sa unang kampeonato sa WTA, si Eala rin ang unang Pinoy na nanalo sa isang WTA tournament.
Nauna rito, kinilala rin siya bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng laban sa Grand Slam Main Draw ng Open Era matapos niyang talunin si World No. 14 Clara Tauson ng Denmark sa 2025 US Open sa Flushing Meadows, New York.




