Malugod na pagbati at ipinagmamalaki ka namin, Alex Eala! ![]()
Nasungkit ng World No. 28 at QCitizen na si Alex Eala ang kanyang unang Women’s Tennis Association (WTA) 500-level title matapos talunin si World No. 3 at tournament top seed na si Jessica Pegula ng Estados Unidos sa WTA 500 Mubadala DC Open 2026.
Wagi si Alex sa laban sa score na 4-6, 6-4, 6-0, na halos isang buong araw na naantala dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Washington DC, USA.
Kabilang rin sa mga tinalo ni Alex ang Paris Olympics gold medalist na si Zheng Qinwen sa Round of 32, defending Mubadala DC Open champion na si Leylah Fernandez sa Round of 16, World No. 10 na si Elina Svitolina sa quarterfinals, at World No. 13 Naomi Osaka sa semifinals.
Nagbubunyi ang buong Lungsod Quezon sa iyong nakamit na tagumpay! Mabuhay ka, Alex!






