LET THE GAMES BEGIN!
Sinimulan na ng Pamahalang Lungsod Quezon at Gaming Library ang 4-day All aBoard Expo 2025 na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ngayong araw.
Inanyayahan ng alkalde ang publiko na dumalo sa pinakamalaking board game event sa bansa na matatagpuan sa M.I.C.E Center ng City Hall.
Libre ito sa mga QCitizen kung saan maaaring masubukan ang iba-ibang laro tulad ng board games, puzzles, card games, trading cards, party and dice games, at gift shop.
Matatagpuan sa harapan ng venue ang food bazaar tampok ang mga local food product na sa QC lang matitikman.
Dumalo sa expo sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Administrator Mike Alimurung, Gaming Library CEO Hans Fernandez, mga international board game designers na sina Yohan Go, David Gordon, Tin Aung Myaing, at QC department heads.




