Daan-daang board game enthusiasts ang nakiisa sa ikalawang araw ng All Aboard Expo sa QC M.I.C.E. Center!
Naghandog ng espesyal na performance si Arnel Pineda para sa mga dumalo ngayong araw.
Tampok sa expo ang game demos, tournaments, at workshops mula sa international board game publishers.
Libre ang entrance para sa lahat ng QCitizens, dalhin lamang ang inyong QCitizen ID.
Bukas ang All Aboard Expo hanggang June 1, 2025, mula 9:30 AM hanggang 8:00 PM.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito, QCitizens!




