ONLY FUN & BOARD GAMES IN QC!
Dagsa pa rin ang mga tumatangkilik ng All aBoard Expo 2025 sa M.I.C.E Center sa loob ng Quezon City Hall ngayong Sabado.
Maaaring makalaro ng mga attendees ang mga sikat na foreign game board designers na sina Yohan Goh, David Gordon, Tin Aung Myaing, at Gaming Library CEO Hans Fernandez.
Tuloy-tuloy din ang competitive games para sa iba-ibang tournament.
Habol na QCitizens, hanggang 8:00 PM pa ang Day 3 ng All aBoard Expo ngayong araw, at last day na rin bukas.




