QCitizens, get ready na All aBoard Expo 2025 sa Quezon City!
Iba-ibang board games ang nag-aabang para sa mga QCitizen at board game enthusiasts sa All aBoard Expo 2025, mula May 29 hanggang June 1 sa QC M.I.C.E Center.
Sa press conference ngayong umaga, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng paglalaro ng board games na pwedeng paglibangan ng buong pamilya o barkada, nakakapawi ng stress, at nakakabawas ng screentime na delikado lalo na para sa mga bata.
Ang All aBoard din ay magsisilbing isa sa mga landmark celebration ng board game culture sa Pilipinas, na unang ginawa at binuo ng Gaming Library katuwang ang isang local government unit.
Dumalo rin sa press con sina City Administrator Mike Alimurung, Gaming Library CEO Hans Fernandez, at Quezon City Tourism Department Acting Chief Operations Officer Giana Aira Barata.
Para sa mga interesadong makiisa sa gaming expo, maaaring mag-register sa: https://www.gaminglib.com/…/all-aboard-expo-2025-event…




