QCitizen, let’s roll the dice sa ALL aBOARD Expo 2026! ![]()
Naging makulay ang pagbubukas ng ALL aBOARD Expo 2026, ang pinakamalaking board game convention sa Southeast Asia, sa QC M.I.C.E. Center ngayong umaga.
Iba-ibang board games mula sa iba-ibang bansa ang maaaring ma-experience at malaro rito, kabilang ang bagong Filipino-inspired board games.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, at Gaming Library CEO Hans Kenner Fernandez ang pagbubukas ng unang araw ng Expo, na dinaluhan ng mga board game enthusiast, developers, at designers.
Bukod sa board games, mayroon ding mga game-related booths at activities ang naghihintay sa mga kalahok. May food bazaar din tampok ang mga QC-based entrepreneurs.
Pwede pang humabol at mag-register, QCitizens! Gamer man o first timer, pwedeng makisaya sa All aBOARD Expo mula May 28 hanggang May 31.










