QCitizens, get ready na sa All aBoard Expo 2026! ![]()
![]()
Muling magbabalik ang All aBoard Expo mula May 28 hanggang 31 sa QC M.I.C.E. Center, tampok ang iba-ibang board games at exciting activities para sa mga board game enthusiast, barkada, at pamilya.
Sa press conference ngayong umaga, binigyang-diin ni City Administrator Michael Alimurung ang halaga ng board games bilang makabuluhang libangan na nakatutulong sa pagbabawas ng stress at screentime, lalo na para sa mga kabataan.
Ang All aBoard Expo ay isa sa mga landmark celebrations ng board game culture sa Pilipinas na unang binuo ng Gaming Library katuwang ang isang local government unit.
Abangan din ang paglulunsad ng exclusive Filipino-inspired tabletop games tulad ng Cities, Modern Art: Philippine Edition, Sinigang, at Kalikasan: Cascadia Philippine Edition.
Dumalo rin sa press conference sina Quezon City Tourism Department OIC Giana Aira Barata at Gaming Library CEO Hans Kenner Fernandez.
Para sa mga interesadong makiisa sa gaming expo, maaaring mag-register sa: https://www.gaminglib.com/collections/event-tickets









