Ngayong Women’s Month, matagumpay na nailunsad ng Lungsod Quezon at Pedal for People and Planet (PPP) ang all-women bike ride na dinaluhan ng nasa 1,000 women bikers. Umikot ang bikers sa 16-km loop protected bike lanes sa lungsod simula sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle.
Kabilang ang bansa sa anim na Asian countries na nagsagawa ng all-women bike actions upang ipanawagan at ipabatid sa kaalaman ng lahat ang mga isyu sa pagkain, clean energy, gender, at climate justice.
Tumayo namang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Gender and Development TWG head Janete Oviedo. Nagpa-raffle rin ng 10 bisekleta ang lungsod para sa mga dumalo sa programa.