Pinalawig pa ng insurance company na Allianz PNB Life ang kanilang operasyon sa Quezon City!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagbubukas ng kanilang QC Hub sa Quezon Avenue cor. Timog, kasama ang mga opisyal ng Allianz PNB Life na sina Mr. Joe Gross (President and CEO), Mr. Chris Cabognason (Chief Distribution Officer), Ms Orange Galsim (Chief Agency Officer), at Ms Sheila Cruz (Senior Regional Business Manager).
Sa QC, patuloy na pinapadali ng lokal na pamahalaan ang proseso para sa mga negosyo sa pamamagitan ng pagdi-digitalize ng serbisyo para sa kanila.