Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang trophy ng Ally of the Year Award in the Public Sector, na iginawad ng White Party Manila: Reignite.
Iprinisinta ito sa alkalde nina Councilor Wency Lagumbay at Councilor Joseph Juico.
Iginawad ang pagkilalang ito bilang pagpupugay sa kanyang patuloy na pagsusulong ng inklusibong pamamahala at pagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng LGBTQIA+ community.
Binigyang-pugay rin ang kanyang mga makabuluhang polisiyang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay at dignidad, kabilang ang pagpapatupad ng Gender-Fair Ordinance, Gender-Inclusive Healthcare Ordinance, at ng kauna-unahang Right to Care Ordinance at Right to Care Card sa bansa.
Patuloy na isinusulong ng Quezon City ang isang ligtas, bukas, at mapagkalingang lungsod kung saan ang bawat isa ay may pantay na pagkakataon at karapatang mamuhay nang may dignidad. ![]()






