An Ally in Action ![]()
Iginawad ng White Party Manila: Reignite ang Ally of the Year Award in the Public Sector kay Mayor Joy Belmonte bilang pagpupugay sa kanyang patuloy na pagiging kaagapay ng LGBTQIA+ community at pagsusulong ng inklusibong pamamahala.
Kinikilala ng parangal ang kanyang mahalagang ambag sa pagsusulong ng mga polisiyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at dignidad, kabilang ang pagpapatupad ng kauna-unahang Right to Care Ordinance at Right to Care Card sa bansa.
Kinilala rin ang kanyang patuloy na suporta sa pamamagitan ng mga programang nagsusulong ng inclusivity, mga Pride initiative, public advocacy, at iba pang hakbang na nagpapatibay sa Quezon City bilang isang ligtas, bukas, at mapagkalingang lungsod para sa LGBTQIA+ community.
Tinanggap nina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Sami Neri, at Coun. Tope Liquigan ang parangal bilang mga kinatawan ni Mayor Joy.










