Dahil sa inaasahang heat index na aabot sa 42°C sa susunod na 24 oras ayon sa datos ng iRISE UP at sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City bukas, April 11, 2025 (Biyernes).
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init. Gayunpaman, hinihikayat silang sumunod sa mga pambansa at lokal na abiso upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.
Para sa anumang emergency at agarang aksyon, tumawag sa HELPLINE 122.
