Ayon sa datos ng iRISE-UP, maaaring umabot sa 41°C ang HEAT INDEX sa susunod na 24 oras, na may babalang EXTREME CAUTION.
Inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang Alternative Delivery Mode (Synchronous/Asynchronous, Limited Face-to-Face at Shortened Classes) bukas, April 7, 2025, sa mga pampublikong paaralan kabilang na ang mga:
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init. Gayunpaman, hinihikayat silang sumunod sa mga pambansa at lokal na abiso upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.
Para sa anumang emergency at agarang aksyon, tumawag sa HELPLINE 122.
