Mahigit 2,400 QCitizen learners ang nagsipagtapos sa Alternative Learning System (ALS) ngayong Sabado sa Quezon City Science High School—mga kabataang minsang tumigil sa pag-aaral ngunit piniling bumalik at magtagumpay.
Sa kanyang mensahe, muling pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga ALS learners, lalo na sa pagbibigay ng scholarships, skills training, at job opportunities para sa kanilang kinabukasan.
Kung isa ka sa mga kabataang hindi nakapagtapos, may pagkakataon pa. Libre ang ALS at bukas ito para sa lahat. Alamin sa inyong barangay o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.
Ang ALS ay hindi lang tungkol sa pagbalik sa paaralan—ito ay pagbabalik ng pag-asa.
Congratulations, graduates! Ang tagumpay ninyo ay inspirasyon para sa marami pang kabataang nangangarap makabalik sa pag-aaral.




