Congratulations, graduates!![]()
![]()
Ipinagmamalaki ng Lungsod Quezon ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners na umabot sa isang mahalagang yugto ng kanilang edukasyon ngayong 2026.
Kasama sa pagdiriwang na ito ang 257 Elementary Graduates at 1,782 Junior High School Completers— mga indibidwal na nagpamalas ng tiyaga, determinasyon, at pagpupursige upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mabuksan ang mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan.
Ang kanilang tagumpay ay bunga rin ng walang sawang paggabay ng ating mga ALS teachers,
suporta ng kanilang mga pamilya, at pagtutulungan ng iba’t ibang katuwang sa edukasyon na naging bahagi ng kanilang paglalakbay.
Patuloy na magiging katuwang ang Lungsod Quezon sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad upang masiguro na walang maiiwan sa pag-aaral at bawat QCitizen ay magkaroon ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap.
Mabuhay ang ating ALS graduates at completers!![]()










