PAGBATI, QC LEARNERS! ![]()
![]()
Umabot sa 91 Learners with Disabilities ang binigyang-pugay sa recognition day ng Alternative Learning System – Special Needs Education ng QC Persons with Disability Affairs Office (QC PDAO) at QC Schools Division Office (SDO QC) ngayong Sabado.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, mahalaga ang programa ng Lokal na Pamahalaan upang masiguro na lahat ng kabataang QC ay may karapatang magkapag-aral at maging bahagi ng isang inklusibong lungsod.
Mula sa isang eskwelahan bilang pilot school para sa school year 2024-2025, nag-expand na ang programa sa 12 paaralan na layong kumalinga at mapalawig ang kaalaman ng learners.
Kasama sa programa sina PDAO head Debbie Dacanay, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Inclusive Education Advocate Alphonsus Castro De Alban, mga opisyal ng QC SDO, school principals, at mga magulang ng learners.










