QCitizens, pwede pang humabol at mamili sa Alunsina Kabuhayan Convention and Bazaar sa QC Hall!
Tampok sa bazaar ang ipinagmamalaking produkto mula sa 17 rehiyon ng Pilipinas, kung saan ang mga manininda ay benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Opisyal na binuksan nina DSWD Asec. Florentino Loyola Jr., 2nd District of Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, SLP National Program Managament Office Operations Division Chief Marife Leon, at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap ang programa sa Risen Garden.