Bilang bahagi ng study tour sa Davao City, binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang AMCG Farm upang pag-aralan ang smart technologies na ginagamit sa kanilang sakahan.
Ang AMCG Farm ay gumagamit ng Israel agriculture technology tulad ng hydroponic garden at greenhouse technologies na gawa ng Netafim, isa sa mga nangungunang irrigation company sa buong mundo.
Ipinaliwanag ni Mr. Alex Gamutan, owner ng AMCG Farm, kung paano nakakatulong ang smart system sa pagbibigay ng sustansya sa mga pananim at mahusay na paggamit ng tubig.
Isa sa mga layunin ni Mayor Belmonte sa kanyang pagbisita ay ang madala sa Quezon City ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa pagpapaunlad ng mga programang pang-agrikultura sa ating lungsod.
Kasama rin sa tour sina QC Food Security Task Force Co-Chairperson and Action Officer Emmanuel Velasco, Joy of Urban Farming Head Ms. Tina Perez, at Mr. Kent Primor, Head of Economic and Trade Advisory ng Embassy of Switzerland in the Philippines.