Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita ang Angat Bayi Women Local Humanitarian Leadership NCR Luzon Training Program sa Quezon City Hall para alamin ang best practices ng iba-ibang city departments para sa isang benchmarking activity.
Sa kanilang pagbisita, tinalakay at sinuri ang mga programa ng Gender and Development Council Office, QC Citizen Services Department, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, at ang bagong evacuation center sa Barangay Bagong Silangan.
Sumasalamin ang matagumpay na benchmarking na ito sa patuloy na suporta ng Quezon City sa pagpapalakas sa mga kababaihan sa pamahalaan.










