Nakiisa si Ms. Andrea Villaroman, head ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department, sa Angat Bayi: Feminist Leaders Fellowship for Nature-based Solutions at ibinahagi ang mga nature-based solutions ng QC para sa disaster risk reduction at climate change mitigation.
Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga kababaihang lider sa pagsusulong ng gender-responsive nature-based solutions at environmental governance sa kanilang mga komunidad.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga programa at best practices ng Quezon City, patuloy na naipapakita ang mga epektibong hakbang ng lungsod sa pagtugon sa hamon ng climate change.
Ang fellowship ay isang inisyatiba ng Forest Foundation Philippines at Bayi, Inc. sa ilalim ng Philippines-Canada Partnership on Nature-based Solutions for Climate Adaptation (PCP4NbS), sa suporta ng Government of Canada.










