Ibinahagi ng Quezon City Government ang iba-ibang programa nito para sa mga kababaihan at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa mga bahagi ng Angat Bayi Political Empowerment Fellowship Program ngayong araw.
Ipinaliwanag ni Gender and Development (GAD) TWG Head Janet Oviedo ang mga gender transformative initiatives ng QC tulad ng No Women Left Behind program, at iba-ibang GAD seminar at workshop.
Si SBCDPO Head Mona Yap naman ang nagbahagi ng mga programa ng kanilang opisina para sa pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga kababaihan.
Tinalakay naman nina Coun. Ellie Juan at Atty. Rio Rose Santos ng Vice Mayor’s Office kung paano nagtutulungan ang ehekutibo at lehislatura para maisulong ang mga batas para sa mga kababaihan.
Bumisita rin ang mga Angat Bayi fellow sa QC Female Dormitory, QC Human Milk Bank, QC Protection Center, at Bahay Kanlungan.