Bumisita ang mga miyembro ng Angat Bayi sa ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Quezon City para personal na makita ang ilang gender transformative practices na maaari nilang gayahin at ipatupad sa kani-kanilang mga lugar. Bahagi ito ng kanilang Angat Bayi Women Political Empowerment Fellowship.
Kabilang sa kanilang binisita ang QC Protection Center for Abused Women, Children, and LGBT, Kabahagi Resource Center for Children with Disabilities, Human Milk Bank program ng Quezon City General Hospital, at ang Bahay Kanlungan: Shelter for Abused Women, Children and members of the LGBTQ community.
Ang 2022 Angat Bayi Political Empowerment Fellowship Program ay proyekto ng Bayi Inc., katuwang ang UP Center for Women’s and Gender Studies, UP Center for Women’s Studies Foundation, Inc., at AMWA, sa pakikipagtulungan ng Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).