Bilang bahagi ng Angat Bayi Women’s Empowerment and Leadership Program, bumisita ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng San Pablo, Dumalinao, at Kumalarang Zamboanga del Sur sa Quezon City ngayong araw.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte at Gender and Development head Janete Oviedo ang mga proyekto ng lungsod para sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Pupuntahan din nila ang mga Local Learning Hub sa lungsod, kabilang na rito ang Human Milkbank, Protection Center, at Bahay Kanlungan.