Nagsilbing pangunahing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa Annual Honoring of Martyrs and Heroes na pinangasiwaan ng Bantayog ng mga Bayani Foundation ngayong araw.
Binigyang-diin ng Alkalde na mahalaga ang pag-alala at pagpreserba sa kasaysayan ng ating bayan dahil ito ang legasiya ng bawat Pilipino at nagtatakda ng ating pagkakakilanlan.
Inihayag ni Mayor Joy, na susuportahan ng lokal na pamahalaan ang rehabilitasyon ng memorial center. Dagdag na park and open space ito na mapapasyalan ng QCitizens.
Layon ng lungsod na isama ito sa ‘Heritage Trail’ na maaaring bisitahin ng QCitizens kasama ang mga makasaysayang lugar sa QC.
Ilan sa mga inaasahang gagawin ay ang Balai Bayani Young Heroes’ Hub, Inang Bayan Monument and Bantayog Grounds, at ang Bantayog ng mga Bayani Museum Building and Library.
Nasa programa rin ang mga Bantayog ng mga Bayani Board of Trustees na sina Edicio De La Torre, Cristina Rodriguez, Corporate Secretary Corazon Plopinio, Solomon Yuyitung, at Professor Judy Taguiwalo.